top of page

Our Recent Posts

Tags

Vission Setting & Job Readiness Seminar, Isinagawa ng FPS Media PH sa San Rafael, Bulacan

Mar 6, 2020
1 min read

Updated: Sep 13

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagtatapos ng mga mag-aaral ng San Rafael, Bulacan, isang seminar ang inihandog ni Vice Mayor Edison Veneracion ukol sa Vision Setting at Job Readiness.


Katuwang ang FPS Media PH at Alliance of the Youth of San Rafael (AYOS), inimbitahan bilang resource speaker si Ms. Mary Rose Castro mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT). Itinalakay sa naturang seminar ang mga hakbang at tips upang matulungan ang mga estudyante sa paghahanda sa paghahanap ng trabaho ngayong sila ay nasa hustong gulang na at malapit nang magtapos.



Ang unang seminar ay isinagawa sa Carlos F. Gonzales High School noong ika-17 ng Enero na dinaluhan ng 350 graduating students ng naturang eskwelahan. Ginanap naman noong January 31 sa pareho pa ring paaralan na dinaluhan naman ng mahigit 300 na estudyante mula sa CFGHS at Salapungan Nationa High School. Isinagawa naman noong March 5 ang i-katlong seminar na ginanapsa Lydia D. Villanca Trade School at dinaluhan ng humigit-kumulang 150 na mag-aaral mula sa LDVTS, Maronquillo National High School at Bulacan Polytechnic College – San Rafael Campus. At ang panghuling seminar ay ginanap sa San Rafael National Trade School kung saan dumalo ang mahigit 250 estudyante mula dito.










Comments


fps logo

0968-728-9439

593 San Francisco St. Poblacion Pulilan, Bulacan

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok

©2018 by FPS Media Ph.

bottom of page