Lexdiary: INTRODUCTION
- Lex
- May 22, 2019
- 2 min read

Yo, mga repapeeps!
Napag-utusan ako ng aking bossing na magsulat daw dito. Although kinakalawang na writing skills ko, try ko ulit i-refresh ang aking dating hobby. Pero honestly hindi naman ako mahilig sa feature writing. More on storyteller ako, kahit pa nakadalawang novels lang ako (1 published, 1 rejected) at short stories na yung iba pa. Marami akong novels na di ko matapos -tapos. After 10 chapters, nadidistract agad sa ibang bagay, hahhaha.
Okey, bago pa man tayo mapunta sa ibang usapan, ipapakilala ko muna sa ating mga readers ang aking sarili. Ako si Lex, hindi ko yan tunay na pangalan. Nasa late 20’s na at always the bridesmaid. Utang na loob, wag nyo na tanungin kung kailan mag-aasawa. Sa Visayas ako nakatira last year, ngayon nasa Bulacan na. Alam nyo ba kung bakit? Kasalanan iyan ng bossing ko. Magbabakasyon lang dapat ako ng 2 weeks sa Luzon, pero nung nakita ako ng dati kong boss sa 1st work ko after graduation, inalok agad ako ng trabaho. Syempre umoo naman agad ako. Mag-iinarte pa ba ako? Obviously, doon na ako sa less stress na work.
Ngayong tapos na ako magpakilala sa inyo, pag-usapan naman natin ngayon ang magiging laman ng mga entries ko. Di ba pa ba obvious? Diary style, kahit ano, kahit saan at kahit kailan ang topic. So I’ll be posting medyo interesting na mga ganap sa aking paligid. Sa ngayon, medyo maiksi muna ang tsika ko sa inyo. Wala pa akong masyadong maisulat. Tutal naman, introduction pa lang naman ito as my LEXDIARY.
Next week, uuwi ako samin sa Visayas para sa kasal ng magaling kong kapatid. I wonder kung may mga interesting na happenings? Abangan.
So hanggang dito na lang muna. Ciao!







Comments