top of page

Our Recent Posts

Tags

Foodietorial: An Introduction


Lahat tayo ay kumakain, lahat tayo may kani-kaniyang paborito, pero ‘di lahat marunong magluto. Gaano ba kaimportante na marunong tayo magluto at gaano ba natin inaapreciate kung paano dumadating sa ating hapagkainan ang mga lutong ating tinitikman. Maraming online videos patungkol sa pagluluto pero sa aking opinion, masyadong mbabaw ang mga presentasyon, walang pagpapalalim sa proseso at sa mga kasanayan sa pagluluto kaya sa huli wala din namang masyadong gumagawa ng mga ito sa kani-kanilang mga kusina. Kaya nananatiling viral videos na lang at hindi recipe na pwedeng ma-replicate ng kahit sino.

bowl meal foodietorial

Maliban sa frustrations ko sa mga food videos, nariyan din ang mga food critics. Okay naman ang kanilang mga opinion dahil sabi ko nga lahat tayo ay kumakain, siguro nakukulangan lang ako dahil gusto kong makakuha ng point of view mula sa isang “cook” di man professional pero yung tipong pwedeng magbigay ng perspective nto kung paano niya gagawin o iimprove ang putaheng kanyang kini-criticize.

Pangatlo, sa panahong ito tila mas dumadami ang mga pamilyang nagka-carinderia mode, kung saan naeexpose ang pamilya sa mga lutuing mas priority ang quantity over sa quality nito.

Ilan lamang iyan sa mga bumabagabag sa akin bilang isang simpleng tao na mahilig kumain at malalim ang pag-appreciate sa pagluluto. Ito marahil ang dahilan upang umpisahan ko ang vlog na ito, kung saan hindi lamang superficial na presentasyon ng pagkain ang gagawin kundi mas malalim na pagtalakas sa history, technique sa pagluluto, at criteria ng bawat putahe, bilang pamantayan kung paano ito naiiba sa ibang mga lutuing kahalintulad nito (tulad sa mechado, afritada, menudo).

Naisip ko ring i-dokumento ang mga traditional na mga recipes na kadalasan ay napapalitan na ng mga instant na flavorings, Gayundin ang mga lutuing naglalaho na sa hapagkainang Pilipino.

Bukod sa pagluluto, paminsan-minsan ay magbibigay ako ng sarili kong opinion ukol sa mga pagbabago, pamamaraan, o kaisipan sa kusina na humuhubog sa ating panlasa.

Simula sa Hunyo, buwan ng nutrisyon, samahan n'yo kaming magpalalim sa kusina at magpalawig ng mga kaalaman sa pagluluto.

Comments


fps logo white.png

0968-728-9439

593 San Francisco St. Poblacion Pulilan, Bulacan

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok

©2018 by FPS Media Ph.

bottom of page