LEXdiary #1: LEXhausting Trip to Ormoc.
- fps
- Jun 1, 2019
- 4 min read
Wazzup?
So, nangako ako sa inyo na magkukwento ako tungkol sa pag-uwi ko sa amin sa probinsya. Don’t you worry. ‘Coz ikukwento ko na sa inyo ang mga ganap.
Umipisahan natin mula sa aking byahe pauwi.
A few months ago, nasabihan na ako ng kuya ko na ikakasal na siya sa 5 years girlfriend niya sa Mayo. Expected ko noon ay August dahil yun ang target date nila. Unfortunately, dahil public teacher ang kapatid ko, hindi siya maaaring magleave ng Agosto. Kaya naman napaaga ang sakalan, este kasalan nila.
Anyways, no choice ako kundi umuwi sa probinsya namin sa Ormoc City, Leyte. Ang syudad kung saan inihalal for the second time (thank goodness) si Mayor Richard Gomez habang Congresswoman naman ang kanyang maybahay at super ganda pa rin na si Lucy Torres-Gomez.
May 24, 2018 nang magtungo ako sa Clark International Airport para sa flight ko papuntang Cebu City. Kinakailangan kong dumaan sa Cebu bago ako makarating sa Ormoc. May flight din naman na pa-Tacloban mula Manila kaso wala akong mahanap na abot-kayang halaga na plane ticket. Mahirap lang po kasi ang lola niyo. Kaya kinakailangang pagtiyagaan ang mahabang byahe pauwi sa hometown ko.
Nang dumating ako sa airport ng Clark, napansin ko agad ang temperature sa loob. Mainit, parang masyadong mahina ang aircon. Nang tumingala ako, ayun, na-gets ko na kung bakit. Kung maaalala ninyo, nagkaroon ng malakas na lindol noong Abril at isa sa mga napinsala ay ang Clark Airport. Buti na lang at may dala akong pamaypay kaya keri naman ng powers ang init.
Pagsakay ko ng eroplano, ramdam ko na naman ang madalas nangyayari sakin tuwing sumasakay ng eroplano. Ang kabahan sa byahe. Dahil sa oras na magcrash ang eroplano ay 100% tsugi ako. Hindi ito katulad ng barko na as long as may life vest ka, ay malaki pa rin pag-asa mong mabubuhay ka sakali mang may mangyaring trahedya. Sa twuing nag titake-off ang eroplano ay grabeng pagdarasal ang ginagawa ko na sana maka-landing kami ng maayos. Nakakatakot man sumakay ng eroplano ay mas pinipili ko pa rin ito kesa bumiyahe sa pamamagitan ng Bus. Pagtyagaan na lang ang 1 hour na kaba kesa sa mahigit isang araw na nakakapagod na byahe sa bus.
Awa ng Diyos ay maayos naman ang naging lipad ko. Wew. Thank you, Lord.
Gabi na nang dumating ang sinasakyan kong eroplano sa Mactan-Cebu International Airport kung saan naghiihintay ang Kuya kong Groom-to-be. Balak namin sumakay agad ng barko papuntang Ormoc nang gabing iyon. Unfortunately, ang tanging available lamang na pwede naming sakyan ng mga oras na iyon ay Lite Shipping, isang pampublikong barko na 6 hours ang byahe sa halagang P300.
Mula airport ay naglakad kami ng kuya ko papuntang Lapu-lapu city. Sa pagnanais na makatipid at idagdag na rin ang kadahilanang madaming nakapila na nanghihintay makasakay ng taxi, kaya napagdesisyunan kong maglakad na lang papunta sa kung saan kami pwedeng sumakay ng Multicab. Ang multicab ay ang Jeep version ng Visayas, isa itong pampublikong sasakyan na umaabot ng 20 o higit pang pasahero ang naisasakay.
Pagdating namin sa Lapu-lapu City, napansin ko ang isang footbridge kung saan maraming mga kabataan ang nakatambay. Sa Manila, kapag gabi na ay wala nang tumatambay sa footbridge sa takot na may maka-engkwentro na snatcher, holdaper at kung anu-ano pang mga masasamang loob. Kaya laking gulat ko nang makita kong ang daming nakatambay sa isang footbridge sa Lapu-lapu, Cebu. May mga magjowa, magkabarkada at kahit pati mga naglalaro ng Mobile Legend. Nang tinanong ko si kuya kung bakit di takot ang mga tagaroon na tumambay sa footbridge kahit madilim sa lugar, ang sagot niya ay dahil sa malakas daw ang signal doon. Hindi ko alam kung mababa ba ang crime rate ng Cebu City o talagang malakas lang loob ng mga tumatambay doon. Kung sa Maynila pa ‘yun, wala sigurong magkakalakas loob tumambay sa footbridge kahit gaano pa kalakas ang signal.
Mula Lapu-lapu City ay bumiyahe kami papuntang Mandaue, kung saan kami sasakay ng barko pabyaheng Ormoc. Ang haba ng nilakad namin at napakadilim pa. Buti na lang at kasama ko kuya ko. Nakakatakot maglakad papuntang pier, wala man lang kahit isang lamp post.
Pagkatapos ng paghihirap namin sa paglalakad sa madilim na lugar na iyon ay sinalubong kami ng masamang balita pagdating namin sa pier. Sira ang mga barko! Oh no!
Timing na the day before ay nasira ang mga barko pabyaheng Ormoc. Bakit sabay-sabay pa? Bad timing!
Meron lang kaming 2 choices ng gabing iyon:
Magpaumaga sa Cebu at pumunta sa ibang pier kung saan pwede kaming sumakay ng supercat, 2go atbpa.
MagTrucking. Sumakay sa Truck na sasakay ng barko na may byaheng 9 hours. Unfortunately, nakakulong ka sa Truck habang bumibyahe at hindi maaaring bumaba.
Muntik ko na pagtiyagaan ang option #2! Buti na lang at nag-inarte ako at nagbago isip. Nagdecide kaming magpaumaga na lang. Fortunately, naawa sa amin si kuyang sekyu at nagtext sa kakilala kung may available na Lite Shipping sa ibang pier. Itniuro niya kami sa iba pang pier na malapit lamang kung saan may byahe pa-Ormoc.
So naglakad kami ulit ng kuya ko at nagtungo sa tinutukoy na pier ng mabait na sekyu. Nagkataon na may kasabay din kaming babyaheng pa-Ormoc na papunta rin doon kaya mas lumaki ang posibilidad na may byahe nga pauwi sa amin sa mga oras na iyon.
Pagdating namin doon ay napatunayan naming totoo ngang makakauwi kami sa Ormoc. Yay! May available na Lite Shipping!
Bandang alas onse ng gabi nang umalis na sa Cebu ang barkong sinasakyan namin. 6 hours ang byahe at wala nang available na mahihigaan, so pinagtyagaan naming matulog sa upuan sa loob ng mahabang oras na iyon.
Kinabukasan ng alas-sais nang dumaong na rin sa wakas ang barkong sinasakyan namin sa Ormoc City, Leyte.
5 months lang ang lumipas nung huli kong makita ang syudad, pero obvious agad ang mga development na nakikita ko. Bagamat probinsyang-probinsya pa rin ang aking hometown ay hindi pa rin maikakaila ang mga nakikita kong pag-unlad nito.
Kaya naman super proud ako ngayong nakita ko ulit ang Ormoc.
-LEXdiary
Comments