W.I.P Project: Devastator (Day 2: Thigh & Body Build)
- H.D.R.
- Jun 10, 2019
- 2 min read

Hi and welcome to Work-in-progress Project: Devastator. Nasa 2nd day na tayo ng ating build at sa kasalukuyan, marami akong nae-encounter na problema.

Last time, natapos ko na ang legs nitong ating combiner. Supposed to be, sa ikalawang araw, thigh at crotch peice naman na sana ang aking pagtutuunan ng pansin. Sinumulan ko ring i-video ang mga process ng pagbuo nito yun nga lang, di ko na pansin na na-lowbat na pala. Pero okay lang din naman, di rin naman ako satisfied sa unang attempt na i-connect ang mga paa sa crotch peice.
Isa pang problema ay ang material kung saan ay mabubuo ang thighs nito. Hindi kasi proportion sa gusto kong kalabasan gamit ang mga natitirang piyesa sa mga na-dismantle kong laruan. Isang option na naiisip ko ay ang bumili pa ng mga mas maliliit na container trucks para sa hita ni Devastator.

Habang naghahanap ng mga laruang pwedeng magamit sunud-sunod naman ang pag-ulan ng malakas dito sa amin area. In short inabot ng ilang days bago ko naituloy ang pag-gawa sa project na ito. Inayos ko din ang pagset-up ng website na ito pati ang mga social media accounts ng group para ma-centralize ang mga ito.
Sa huli, nakakita ako sa Daiso Japan Store ng mini canister na sakto sa pagka-blocky na gusto ko. Tulad sa legs, temporary ko muna sila idinikit gamit ang glue gun. So far, masaya naman ako sa kinalabasan, mabilis ko din nabuo ang body nito gamit ang cab ng trucks na nakuha ko.
Ikinabit ko na rin ang mga legs nito para makita ko ang scale. Magkahalong tuwa at pagkamangha ang una kong naramdaman noong itinayo ko na sya. 'Di ko naman inakala na magigingmassive ang build na ito, napasubo yata ako sa unang challenge na ito. Dahil kakailanganin ko ding gumawa ng chest piece at head sculpt nito out of nothing. Isa sa mga naiisip kong gamitin ay yung mga popsicle sticks na nabibili sa local book store dito sa amin. Layer layer na parang wood puzzle, pero mukhang malayo-layo pa bago tayo dumating sa stage na yun. Pwedeng magbago pa isip ko o di kaya'y makahanap ng ibang materyales na pwedeng magamit para sa mga kamay at ulo niya.

Next naman ay ang mga braso ni Devastator ang aking pagtutuunan ng pansin, kumpara sa legs, tingin ko mas madali iyon gawin dahil sa minor lang ang babaguhin sa mga sasakyan para ma-achieve ang Combiner look nito.
Salamat sa pagsubay-bay, at sana ay bisitahin ninyo ang aming mga social media accounts.
Facebook and Instagram:
@fpsmedia.ph
Twitter:
@fpsmediaph
Youtube:
https://www.youtube.com/channel/UC6xZsUwEHGEI0scpJbcS_JA
Comments