Bagong Pamunuan ng Angat, Pormal nang Itinalaga
- Francis Armamento

- Jun 30
- 1 min read

ANGAT, BULACAN – Hunyo 30, 2025 – Sa isang makasaysayang seremonya na ginanap sa Angat Municipal Gymnasium, pormal na itinalaga ang mga bagong opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa taong 2025 hanggang 2028. Ang seremonya ay dinaluhan ng mga lokal na opisyal, kawani ng pamahalaan, at mga mamamayan ng Angat sa pagpapatuloy ng "Asenso at Reporma" ng bayan.
Pinangunahan ang programa sa isang banal na misa na pinangasiwaan nina Rdo. P. Lester John Cabais at Rdo. P. Joshua Panganiban bilang pagpapasalamat sa panibagong yugto ng serbisyo-publiko.
Sinundan ito ng pormal na pagtatalaga sa tungkulin, kung saan isinagawa ang sabayang panunumpa ng mga halal na opisyal sa pangunguna ni IGG. Salvador A. Pleyto, Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bulacan. Kabilang sa mga nanumpa sina Kon. Luis J. Santiago, Kon. William S. Vergel de Dios, Kon. Evelyn J. Cruz, Kon. Ramiro A. Osorio III, Kon. John Patrick DC. Solis, Kon. Arvin V. Cruz, Kon. Allen P. Cruz, at Kon. Melandro G. Tigas.

Ipinamalas ang sigla ng seremonya sa pamamagitan ng mga mensahe ng inspirasyon mula sa mga bagong pinuno. Sina IGG. Arvin L. Agustin, Pangalawang Punong Bayan, at IGG. Reynante S. Bautista, Punong Bayan, ay kapwa nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, tapat na pamumuno, at pagpapatuloy ng mga reporma para sa mas progresibong Angat.
Ipinakita ng audio-visual presentation ang mahahalagang tagumpay ng nakaraang administrasyon, Pinamunuan ni Bb. Puja G. Mariano, guro ng palatuntunan, ang pormal na pagtatapos ng seremonya.
Ang pagtatalaga ay nagsilbing pormal na pagsisimula ng bagong termino ng panunungkulan para sa mga opisyal ng bayan ng Angat, na may layuning ipagpatuloy ang mga programa at proyekto ng pamahalaang lokal.







Comments