top of page

Our Recent Posts

Tags

Tennis no Ouji-sama: Motto Gakuensai no Ouji-sama (REVIEW Part1)


Wazzup, minna! I’m back again for another Otome Game Review.

At gaya nga ng naipangako ko sa inyo, pag-uusapan natin ngayon ang Prince of Tennis game na more on romance ang plot, ang Tennis no Oujisama: Motto Gakuensai no Oujisama!

Ang “The Prince of School Festival” o Gakeunsai no Oujisama ay isang dating sim video game ng Prince of Tennis na malalaro sa Playstation 2. Matapos ipalabas ang Nationals arc ng Prince of Tennis anime ay naglabas ng Nintendo DS version ang Konami na pinamagatang “The Prince of The School Festival ~ More Sweet Edition” o Motto Gakuensai no Oujisama. Idinagdag din nila ang Shitenhouji regulars bilang additional love interests ng heroine.

2 WEEKS ROMANCE

Ang timeline ng larong ito ay naganap matapos ang Kanto Tournament ng Prince of Tennis Anime at bago maganap ang Nationals. Naisipan ni Young Master Atobe Keigo-san na magkaroon ng School Festival kung saan kasali ang lahat ng mga tennis teams na kasama sa tournament. Ang heroine na may default name na Hirose Shizuka ay isang 2nd year student na mapipili bilang school committee member na tutulong sa mga tennis players ng kanyang eskwelahan para sa paghahanda sa school festival. Pipili ang player ng eskwelahan na pwede niyang salihan: Seigaku, Fudoumine, St. Rudolph, Yamabuki, Hyoutei, Rokkaku at Rikkai. Ang mga tennis players na mula sa eskwelahang napili lamang ang maaaring romansahin ng ating bida. May 2 weeks lamang si Heroine-chan para ma-seduced ang mga love interests. Masyadong maiksi ang panahon. Pero dahil marami namang love interests ang available kaya sulit pa rin (hahaha). At mukhang malakas ang charm ng ating bida dahil naiinlove agad ang mga bishounen sa kanya within two weeks! (lol)

THE PRINCES OF THE SCHOOL FESTIVAL

Echizen Ryoma – Ang 1st year regular member ng Seigaku Tennis Club. Makukuha mo siya pag pinili mong maging estudyante ng Seishun Gakuen. Mautak ang bishounen na ito pag nainlove na kay Heroine-chan. Alam agad niya na may feelings si Heroine-chan sa kanya at pasimple siyang magbibigay ng hint para marealized ng bida na may gusto na siya kay Ryoma-kun (lol). Gusto niyang si Heroine-chan ang magconfess (hahahaha). Pati paghahatid kay Heroine-chan pauwi, pasimpleng mananakot para pumayag ang bidang magpahatid (lol). At ang pinaka-nakakaloka, one time mali-late siya sa date nila ni Heroine-chan, idadahilan niyang may tinulungan siyang buntis tulad ng dahilan niya kay Coach Ryuzaki nung nalate siya dati sa laban niya sa anime (hahaha). Ayaw niyang gamitin nickname o first name ng bida sa takot na madulas siya at mabanggit habang may club activities at matukso ng mga senpai (lol). And lastly, ang ganda-ganda niya sa play nila sa school festival (hahahaha).

Tezuka Kunimitsu – 3rd year captain ng Seigaku Tennis Club. Kailangang mag-enrol ng player sa Seishun Gakuen para makilala siya. Napakaserious ng lalaking ito pag nainlove. Hindi ako makaramdam ng kahit kaunting sweetness mula sa kanya (lol). At sa sobrang pagka-uptight niya, hindi na ko magtataka kung after kasal na sila magkakaroon ng 1st kiss ni Heroine-chan (hahhaha). Pero ang gwapo niya sa mga CGs niya (kyaaah!). Nakakatawa mga 1st impression ng iba sa kanya dahil lagi siyang napagkakamalang teacher. lol

Fuji Syuusuke – 3rd year regular member ng Seigaku Tennis Club. Isa siya sa mga bishounen na maroromansa mo kapag pinili mong mag-enroll sa Seishun Gakuen. Isa rin sa paborito kong character si Fuji-senpai sa anime. At di ako binigo sa Fuji-senpai ng Motto Gakuensai no Oujisama. Dahil lagi akong nangingiti kapag kinakausap ko siya. Madalas niyang i-tease si Heroine-chan at gustung-gusto ko boses niya ‘pag ginagawa niya iyon (kyaaah!). Nakaka-inlove din siya kapag hindi siya nakapikit (hahaha). Madalas din nya tuksuhin ang nakababata niyang kapatid na si Yuuta, no wonder frustrated si lil bro pag magkasama sila (lol). Ang route ni Fuji-senpai ang paborito ko sa Seigaku club members dahil napaka-cool niya. Ilang beses ako napapa-kyaaah! (hahaha). Napakaprotective niya sa kanyang kapatid pati sa lovelife nito. Tumutulong siya para hindi magkaroon ng karibal si Yuuta-kun. lol

Oishi Syuichirou – 3rd year regular member ng Seigaku at maaari lamang maromansa kapag nag-enroll sa Seishun Gakuen. Nakakatawa ang confession ng lalaking ‘to. Hirap na hirap siya magconfess dahil masyadong mahiyain kapag kaharap ang babaeng gusto niya. Nauutal pa siyang magsalita at napakaslow sa feelings ni Heroine-chan.

Kikumaru Eiji – 3rd year regular member ng Seigaku. Kelangan mong mag-enroll sa Seishun Gakuen para makilala siya. Napakacute ng lalaking ‘to. Mabilis siyang maiinlove kay Heroine-chan at ilang araw niyang susubukang magpa-impress ngunit dahil sinunod niya ang payo ni Oishi-san na maging seryoso, Tezuka-style, laging nagbabackfire mga ginagawa niya (lol).

Momoshiro Takeshi – 2nd year Seigaku Tennis club member. Makikilala kapag nag-enroll sa Seishun Gakuen. Parang bestfriend ang dating niya para sa akin. At napakatakaw niya, napapaisip ako kung sakit ba siya sa ulo ng mga magulang nya dahil sa bottomless stomach niya (lol). Nakakatawa si Momo-chan sa goldfish scooping game sa school festival, ginawang parang tennis game ang pag-scoop (hahaha).

Kaidou Kaoru – 2nd year tennis club member ng Seigaku. Makikilala kapag nag-enroll sa Seishun Gakuen. Tulad ni Momo-chan, isa rin siya sa mga tennis idiots na ginawang tennis game ang pagscoop ng gold fish sa school festival (lol). Favorite past time niya ang tumitig habang kumakain si Heroine-chan. So I guess kung nagkataong naging babae si gluttonous Momo-chan, tiyak na maiinlove si Kaidou-san sa rival niya (hahaha).

Inui Sadaharu – 3rd year Seigaku tennis club member. Makikilala ni Heroine-chan kapag nag-enroll sa Seishun Gakuen. Napakaslow ng lalaking to pagdating sa love kaya nakakatawa si Heroine-chan habang nagbibigay siya ng mga hint about sa feelings nya (lol).

Kawamura Takashi – 3rd year tennis club member ng Seigaku at makikilala ng bida kapag nag-enroll sa Seishun Gakuen. Ang tanging masasabi kong interesting sa route niya ay nakita kong tumawa si Akutsu-san! Isa rin sa mga tennis idiots sa goldfish scooping game (lol).

Kintarou Tooyama – 1st year tennis club member ng Shitenhouji Junior High. Makikilala mo siya kapag nag-enroll ka sa Seishun Gakuen kung saan bisita si Kin-chan para sa gaganaping School Festival. Napaka-cute ng batang ito lalo pag nagseselos (lol). Little brother ang tingin ko sa kanya dahil si Heroine-chan madalas nagbabayad kapag may date sila dahil kulang ang pera ni Kin-chan (hahaha). At dahil inosente pa siya, nakakatawa at nakakahiya ang mga pinaggagawa niya (lol). Nag-astang Guardian ni Kin-chan si Shiraishi-san sa route niya at naging coach kung paano ang tamang pakikipagdate (lol).

Shiraishi Kuranosuke – 2nd year tennis club member ng Shitenhouji Junior High. Makikilala siya ni Heroine-chan kapag nag-enroll siya sa Yamabuki Junior High kung saan bisita si Shiraishi-san para sa School Festival. Nag-enjoy ako sa route niya. Ang tanging problema ko lang ay lagi niyang bukambibig ang iba’t-ibang klaseng halaman na nakakalason (lol).

Akutsu Jin – 3rd year member ng Yamabuki Tennis Club. Makikilala mo siya kapag nag-enroll ka sa Yamabuki Junior High. Medyo mahirap makipagclose sa kanya dahil lagi ka niyang sisigawan na tumahimik sa tuwing kakausapin mo siya. Pero once na mapalapit ka na sa kanya ay magiging nakakatawa ang mga convo niya kay Heroine-chan (lol). Nakakaloka rin si Heroine-chan sa route niya, feel ko may death wish siya dahil lagi niyang pino-provoke si Akutsu-san (hahaha).

Sengoku Kiyosumi – 3rd year member ng Yamabuki tennis club. Makikilala mo siya kapag nag-enroll ka sa Yamabuki Junior High. Napakalakas ng loob magpick up ng girls pero naduduwag naman kapag nagtatapat na ng feelings niya, at nauutal pa siya (lol).

Dan Taichi – 1st year tennis club member ng Yamabuki. Makikilala siya ni Heroine-chan kapag nag-enroll siya sa Yamabuki Junior High. Parang nakababatang kapatid lang ang dating niya para sa akin. Pero nakakatawa si Akustu-san sa route niya dahil sa pagbibigay niya ng love advice kay Dan-kun (lol).

SEN YUI’S THOUGHTS

Ang mga bishounen na nabanggit ko sa itaas ay ang mga love interests na makikilala ng player kapag nag-enroll siya sa Seigaku at Yamabuki. Dahil sa dami ng available boys na roromansahin ay napagdesisyunan kong hatiin sa dalawa ang Otome Game review ko tungkol sa Motto Gakuensa no Oujisama. Ang paborito kong boys mula sa dalawang school na nabanggit ay sina Fuji-senpai at Kikumaru-san. May improvement ang graphics nito kumpara sa Doubles no Oujisama. Maganda na tingnan ang ating mga bishounen at parehong-pareho sa anime ang mga graphics nila sa laro.

Hanggang dito na lang muna tayo, fellow otome gamers. Sa susunod na linggo po, abangan ninyo ang Part 2 ng Otome Game review ko sa Tennis no Oujisama: Motto Gakuensai no Oujisama.

Kaya hanggang sa muli, minna!

-Sen Yui

Comments


fps logo white.png

0968-728-9439

593 San Francisco St. Poblacion Pulilan, Bulacan

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok

©2018 by FPS Media Ph.

bottom of page