top of page

Our Recent Posts

Tags

Tennis no Ouji-sama: Motto Gakuensai no Ouji-sama (REVIEW Part2)


Konnichiwa, minna-san!

It’s time for our Weekly Otome Game Review! Last week ay pinag-usapan natin ang Otome Game under ng Tennis no Oujisama franchise na Motto Gakuensai no Oujisama o GakuPuri! At dahil may 38 love interests ang larong ito, syempre hindi natin kayang i-review sila lahat ng sabay-sabay. Idagdag pa ang rason na di ko pa tapos laruin ang lahat ng routes sa GakuPuri (hahaha). Sa Part 1 ng review natin, pinag-usapan natin ang boys ng Seigaku at Yamabuki. Ngayon naman, for our 2nd part ng GakuPuri Otome Game Review, we will be talking about the Princes from Hyotei Gakuen at St. Rudolph! So sit back, relax and enjoy our bishies for this week!

THE PRINCES OF THE SCHOOL FESTIVAL

Atobe Keigo – 3rd year Tennis Captain at Student Council President ng Hyotei Gakuen (Academy). Isang ridiculously rich young master at tagapagmana ng Atobe Conglomerate. My most favorite guy in Motto Gakuensai no Oujisama! This game really turned me into his fangirl. Kahit kaninong route ka pa mapunta, you’ll always appreciate Atobe-sama. I can feel Konami/Game Developer’s love on his character. He’s so full of himself, pero may capability naman siya para magyabang (hahaha). Masyado siyang busybody pag nasa ibang routes, but that only makes him more endearing. Responsable din siya at masipag. Bagamat bossy, nakikinig din siya sa mga suggestions ng iba. Protective din siya sa mga taong malapit sa kanya especially sa taong gusto niya. Nakakatawa siya pag na inlove dahil wala siyang pakialam sa paligid. Napakahilig mag PDA (Public Display of Affection).

Oshitari Yuushi - 3rd year Hyotei Gakuen tennis club member. A perv and a flirt kaya magkasundo sila ni Sengoku-san ng Yamabuki. Pero mas interesting ang route niya dahil laging nagba-backfiire ang mga panliligaw o pagpaparamdam niya kay Heroine-chan. Dahil sa kanyang flirty ways, hindi siya siniseryoso ng taong gusto niya, idagdag pa na naka max yata ang airhead level ng ating bida (lol). Hindi ko gusto ang napakaslow niyang pagsasalita na para siyang inaantok, idagdag pa ang Kansai dialect niya na medyo weird pakinggan.

Mukahi Gakuto – 3rd year tennis club member ng Hyotei Gakuen. Childish & simple-minded but cute. Di ko lang siya gusto pag nakikipagdate. Too immature pa siguro pagdating sa love. Iniiwan ang ka-date para lang ma-enjoy ng paulit-ulit ang bungee jump (WTF). I don’t know kung sino mas malala sa kanila ni Kin-chan ng Shitenhoji. Ang boy na girl ang madalas nagbabayad sa date dahil kulang pera niya? O ang boy na madalas nang-iiwan ng date para ma-enjoy fave rides niya? Take your pick (lol).

Shishido Ryou – 3rd year member ng Hyotei Gakuen tennis club. The big brother / onnichan-like Shishido-san. Di mo mahuhulaang may gusto siya sa isang tao dahil mabait siya sa lahat at parang kapatid lang turing sa ating heroine. Ang nakakatawa sa route niya tuwing pinag-uusapan nila ang kanyang doubles partner na si Ootori-kun, ay parang pinupush ng ating bida na magka BL o Boys Love route ang dalawa (hahaha).

Ootori Choutarou – 2nd year tennis club member ng Hyotei Gakuen. This guy is too kind. Isa sa mga pinakadelikadong katangian ng boys. Dahil mahuhulog ka agad sa ganitong klaseng lalaki tapos masasaktan ka lang dahil wala naman siyang special feelings sa iyo at sadyang mabait lang talaga siya sa lahat. At aware si Heroine-chan dito kaya madalas magreality check ang ating bida at paalalahanan ang sarili na hindi niya dapat ma-misinterpret ang kabaitan ni Ootori-kun. Masyado ring close si Ootori-kun kay Shishido-san kaya hindi imposible ang BL route sa kanila (lol).

Hiyoshi Wakashi - 2nd year member ng Hyotei Gakuen tennis club. My 2nd fave guy in Hyotei Gakuen next to Atobe-sama. May pagka jerk sa simula sa ating bida, buti na lang to the rescue si Atobe-sama at sinermunan siya (lol). Love na love niyang i-bully si Heroine-chan nang maging close na sila especially pagdating sa Horror topics. Masyado rin seloso si Hiyoshi-san pag na-inlove na. Gets ko na pagseselosan niya si Atobe-sama, pero pati ba naman si Kabaji, hindi nakalusot? (lol). Nakakatawa ang din Haunted House scene nila.

Akutagawa Jirou – 3year tennis club member ng Hyotei Gakuen. The sleeping bishounen. Laging tulog o inaantok most of the time. Pero nagiging hyper pagdating sa mga bagay na gusto niya. Medyo di ko gusto boses niya pag biglang nagiging hyper. At nakakaasar din maging boyfriend ang lalaking ‘to dahil pati date ay tinutulugan niya. So I’ll be putting him on my “Worst guys to date” list kasama nina Gakuto-san at Kin-chan (lol).

Mizuki Hajime – 3rd year player at manager ng St. Rudolph tennis club. This guy has changed a lot after the Kanto Tournament arc ng Tennis no Oujisama series. Kaya kung galing kang Prince of Tennis anime, magugulat ka sa pagbabago niya. He became a nice senpai you can depend on. At dahil wala namang alam sa tennis ang ating bida, tiyak na magugulat siya pag nalaman niya ang dark history ni Hajime-san sa tennis (lol). Dahil smart type girls ang gusto ni Hajime-san, naging matalino ang ating bida sa kanyang route (hahaha). Kadalasan sa mga convo nila ay mga topics na hindi ko maintindihan (lol).

Fuji Yuuta – 2nd year tennis club member ng St. Rudolph Academy. Dati siyang nasa Seigaku ngunit lumipat ng school dahil sa insecurity niya sa genius na kapatid na si Fuji Syusuke. Na-enjoy ko route ni Fuji-kun dahil sa paglabas ni Fuji-senpai (hahaha. Gomen!). Dahil madalas tuksuhin ng kapatid, nagiging defensive si Fuji-kun palagi kapag kausap si Fuji-senpai. Unknown to him, tinutulungan siya ng kanyang kuya upang di siya magkaroon ng love rivals (lol).

Akazawa Yoshiro – 3rd year Captain ng St. Rudolph. A nice understanding captain. Naiintindihan niya ang role ni Mizuki-san sa kanilang team at hindi siya nakaramdam ng pagkainis kahit nakakalimutan ng lahat na siya ang tunay na captain. Puro water creatures na topic ang tanging naaalala ko sa route niya (lol).

MINI-GAMES & DOLLS

Ang Motto Gakuensai no Oujisama ay mayroon ding mini-games na may kinalaman sa paggamit ng tennis racket. Ang “Aim Cancan” kung saan kinakailangan mong tamaan gamit ang tennis ball at racket ang latang nasa malayo; “Love Smash” naman ang larong gamit ang bullseye mark ay kailangang makatama ng isang bola mula sa mga tennis balls na nasa kabilang court; “Guruguru Racketing” ay ang mini game na gamit ang racket ay kinakailangang patalbugin ang mga bagay na may magkaibang bigat at i-shoot sa basket sa kabilang side; "Kabeuchi/Backboard Master" naman ay kailangang tamaan ang ufo na nasa kabilang court; Habang ang “Smash de Bingo” naman ay ang larong kailangang makatama ng 3 squares na nakalinya. At ang rewards mula dito ay tennis keychain, tennis book at character dolls ng ating mga bishounen. Bukod sa mga mini-games ay maaari ding makuha ang mga character dolls sa paglilibot sa school festival map. May 45 dolls ang GakuPuri. So far, dahil Seigaku, Yamabuki, Hyotei Gakuen at St. Rudolph players pa lang ang nagawang kong routes, 42 dolls pa lang ang nakokolekta ko at kulang pa ng 3.

SEN YU’s THOUGHTS

Nabanggit ko sa Part 1 ng Otome Game review ko ng Motto Gakuensai no Oujisama na naging paborito ko sina Fuji-senpai at Kikumaru-san sa Seigaku at Yamabuki routes. Dito naman sa Hyotei Gakuen at St. Rudolph, pinaka-fave ko si Atobe-sama (of course!) at Hiyoshi-san. Honorable mention ang route ni Fuji-kun dahil kay Fuji-senpai (hahaha). Na-enjoy ko rin sina Oshitari-san at Ootori-kun. Naging interesting naman ang kay Hajime-san dahil sa development ng kanyang ugali mula sa anime. Nalaman ko rin na maswerte si Kabaji dahil may contact numbers sya ng lahat ng heroines from Seigaku, Yamabuki, St. Rudolph, Rikkai, Rokkaku at Fudomine. Naiimagine ko na ang pagka-inggit ni Sengoku-san sa kanya at pangungulit na makuha ang numbers ng girls (lol).

Napansin niyo ba na hindi ko pa napapakilala sa 2nd part ng review ko ang mga bishies natin from Rikkaidai, Rokkaku at Fudomine? Syempre pag-uusapan natin sila next week para sa ating Part 3! Di ko pa nagagawa routes nila. I wonder kung matatapos ko lahat sila bago dumating ang Saturday? 13 bishounen din yun (lol). Well, abangan niyo po iyan next week! Malalaman natin kung keri ba ng powers kong romansahin sila lahat in one week (hahaha).

Hanggang sa muli, my fellow Otome Game addicts!

-Sen Yui

Comments


fps logo white.png

0968-728-9439

593 San Francisco St. Poblacion Pulilan, Bulacan

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok

©2018 by FPS Media Ph.

bottom of page