Tokimeki Memorial Girl's Side: 1st Love (REVIEW)
- Sen Yui

- Jun 29, 2019
- 11 min read
Konnichiwa, minna-san! Sen Yui is here at your service!
Nangako ako last week na magbibigay ako ng reviews sa mga favorite Otome Games ko. And here’s one of my faves on the list: TOKIMEKI MEMORIAL GIRL’S SIDE 1ST LOVE! Pero bago tayo magsimula, I want you to watch this video first.
Ang ganda di ba? Matetempt ka talagang romansahin ang boys di ba? Yan ang opening ng Tokimeki Memorial Girl’s Side: 1st Love o TMGS1 kung tawagin ng fans. Ang TMGS series ay mula sa Tokimeki Memorial na male-oriented dating sim video game series na under ng game developer na Konami. Fortunately, gumawa ng another version ang Konami na ang target audience ay ang female gamers. At yan ay ang Tokimeki Memorial Girl’s Side: 1st Love na malalaro sa PlayStation 2, Nintendo DS at mobile phones. Naging super successful ang TMGS1 kaya hindi na nakakapagtakang nasundan ito ng Tokimeki Memorial Girl’s Side: 2nd Kiss o TMGS2 at Tokimeki Memorial Girl’s Side: 3rd Story o TMGS3. Sa ngayon, ang TMGS: 1st Love muna ang pag-uusapan natin.
THE PLOT

Ang player as heroine-chan o female protagonist-chan ay isang resident ng Habataki Town noong bata pa siya kung saan may naging kaibigan siyang batang lalake na kaedad niya. Unfortunately, kailangang lumipat ng family ni heroine-chan kaya nagpaalam siya kay male childhood friend sa simbahan. At katulad sa nabasa nilang fairytale book ay nangako si childhood friend na magkikita sila ulit. Few years later ay nagbalik ang family ni heroine-chan sa Habataki Town.
Mag-eenrol si heroine-chan sa Habataki Gakuen (Academy) kung saan marami siyang makikilalang bishounen (pretty boys) na pwede niyang romansahin. Now here’s the important part. Kailangang i-manage ng player ang schedule ni Heroine-chan para mapagsabay niya ang pag-aaral at romance. Syempre as a student, hindi pwedeng puro lalaki lang aatupagin mo. Within 3 years bago ang Graduation Day ay kailangan mapataas ang Parameters ni Heroine-chan sa Intelligence, Arts, Fitness, Social, Style at Charm. And habang ginagawa mo iyan ay dapat naipagsasabay mo rin ang pakikipagdate at bonding sa target love interest mo hanggang sa inlababo na sila sa’yo. Nakadepende sa Parameters mo pagdating ng Graduation Day kung ano ang makakamit na Ending ni Heroine-chan. Syempre kailangan nakarami ka rin ng dates para mataas ang affections ni boy kay Heroine-chan.
Kumplikado ba? No worries! Dahil nandyan ang magaling mong little bro na may 3 girlfriends daw sa school na handang i-assist ang lovelife mo (lol), si Tsukushi-kun! Siya ang tagakuha ng mga numbers and data ng mga love interests mo at mag-a-update sa iyo sa mga gusto at ayaw nila.
Bago ko ipakilala sa inyo ang mga bishounen sa TMGS1, ipapaliwanag ko muna ang mga bagay na dapat niyong isaisip habang naglalaro nito bukod sa time management ni Heroine-chan.
THE BOMBS

Yes, may bomba sa larong ito. Kapag may isang love interest na hindi mo pinansin ay bababa ang tingin nila sa’yo hanggang sa bigyan ka nila ng bomba na nagpapahiwatig na galit sila sa’yo at nasasaktan sila sa pambabalewala mo. Kaya para walang problema, mas mabuting kakaunti lang ang boys na makikilala mo dahil hassle na kailangan mo pang i-entertain ang iba kahit may target love interest ka na. May tatlong paraan para malaman kung nakatanggap ka ng bomba mula sa ibang lalaki.
1.) Pupuntahan ka ng kapatid mong si Tsukushi-kun at tatanungin ka kung naging malamig ka ba sa isa sa mga boys.
2.) Kakauwi mo lang mula sa date mo nang makatanggap ka ng tawag mula sa lalaking nagbigay sa’yo ng bomba.
3.) Makakasalubong mo sa school ang nagdadramang “bomb guy” at dededmahin ka lang nila.
Now, kailangan mo ngayon i-diffuse ang bombang binigay nila sa’yo sa pamamagitan ng date. Wag kang absentee sa date dahil tyak na bobombahin ka ulit nila. Pinakahassle pag sabay-sabay nagbigay ng bomba ang mga boys na di mo pinansin kaya kailangan maging friendly ka sa lahat at bawal maging cold mode. Tandaan na once na pumutok ang bomba ay mababawasan ng 40% ang affections ng lahat ng boys sa iyo. Kaya the less boys you know, the less bombs you’ll likely received. Thankfully, hidden love interests won’t bomb you (palakpakan, mga kapatid!).
TOKIMEKI PANEL & SKINSHIPS

Ang tokemeki panel ay ang main feature ng TMGS series. Dito mo makikita kung gaano na kalalim ang affections ng boys sa iyo. May stages ang affections sa TMGS: hate, sad, neutral, smiling, grinning and tokimeki (blushing) state. Dito rin makikita kung may mga bomba kang natanggap mula sa mga nadedma mo. Lahat ng boys/girls na makikilala mo ay nasa neutral state sa umpisa. Kapag hindi mo sila napansin ay saka bababa ang affections nila papuntang sad at hate/angry state.
Maraming paraan para mapataas ang affections ng boys kay Heroine-chan.
1.) Aayain mo sila na sabay umuwi o dumaan kayo sa coffe shop pagkatapos ng klase.
2.) Bibigyan sila ng regalo sa birthday nila, chocolates for valentines, piliin sila sa exchanging gift sa pasko at ayain silang pumunta ng shrine sa new year.
3.) Through skinships. Yes, may pagka flirty at touchy ang ating Heroine sa TMGS series. Habang kadate mo sila ay hahawakan mo sila sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan. Thankfully, upper body lang ang pwede (lol).
THE LOVE INTERESTS
Narito ang bishounen na pagpipilian mo sa Tokimeki Memorial Girl’s Side: 1st Love.


Hazuki Kei – My favorite guy! <3 Siya ang kababata ni Heroine-chan na unang ipinakita sa introduction ng laro. Isa siyang model and at the same time ay estudyante ng Habataki Gakuen. Mahilig siya sa mga pusa at ang ganda ng CG(Computer Graphics) nya dun. Kawaii-desu! Mahilig siyang matulog pag may time, resulta ng pagiging working student. Introvert din siya at hindi palakaibigan. Although naaalala niya si Heroine-chan bilang kababata niya noon, di pa rin sapat iyon maging friendly siya. Madalas ay hindi ka niya papansinin o sasagutin pag inaaya mo siya umuwi ng sabay o dumaan muna sa coffee shop. Pakapalan ng mukha kung gusto mo siyang romansahin. Kukulitin mo siyang ayain kahit ilang beses ka pa niya tanggihan. Pero I promise, worth it ang paghihirap mo sa kanya (hahahhahha). Wala akong problema sa Date spots niya. Kahit di siya madalas magsalita, keribels lang! Sapat nang nakatitig ka sa kanya buong araw! (lol) Depende sa affections niya sa’yo, pwede mo siyang tawaging Hazuki-kun, Hazuki, Hazuki-san, Kei-kun, Kei, Kei-chan (nickname ko sa kanya), Kei-tan, Kei-pon. Wag na wag mo siyang tatawaging Ouji-sama kahit mukha pa siyang prinsepe. Dededmahin ka niya kahit inlababo na siya sa’yo (hahhaha). Pag inlove na kay Heroine-chan si Kei-chan ay magkakaroon ka ng scene sa kanya kung saan ay muntik na siya magconfess! Kaso istorbo ang kapatid mong si Tsukushi-kun! Sarap batukan ng batang ‘yun sa scene na ‘yun (lol). Para makuha mo ang Confession Ending niya ay kailangan ang status ng parameters mo ay: Intelligence 150, Arts 150, Fitness 150, Style 150, Social 100, Charm 100 at tokimeki/blushing state affections.

Reiichi Himuro – Same with Kei-chan, also may favorite on TMGS1! Himurochi!! <3
Class Adviser mo siya sa Habataki Gakuen. Katulad ni Kei-chan, kailangan pursigido ka rin sa panliligaw este pangungulit sa kanya. Typical strict teacher. Ang kaibahan lang ay nakapakapogi niya! No wonder di makapagconcentrate ang mga estudyante niya sa klase. Tititig ka na lang magdamag sa buong klase niya, solved ka na! (hahhaha) Kung gusto mong maging extreme, pwede mo ibagsak ang exam mo para makadate mo siya este mabigyan ka niya ng remedial class ng kayong dalawa lang (hahhahha <3). Dahil sa sobrang pagkastrict niya ay may tsismis na kumakalat sa school na robot daw siya (lol). Anyways magsisimula lang ang tsismis na ‘to sa TMGS3 (Yes, nandun siya as a supporting character.) Kung siya ang target love interest mo, kailangan sumama ka lagi sa extracurricular field trips niya. Here’s a warning though. Magkapareho ng taste sa girls si Himurrochi at Kei-chan (no wonder pareho ko silang fave sa TMGS1 lol), kaya kung si Kei-chan ang target mo, huwag kang sasama sa field trips ni Himurochi. Pero kung si Sensei habol mo, Go! Ganbatte! Sali ka rin sa Brass Band Club. Push sa pagpapacute kay Sensei! Hindi mo siya maaaya sa date, ikaw lang aayain nya once magtagumpay ka sa pagpapacute at ididate ka niya este isasama sa after class lessons niya (hohohoho). Hindi mo kailangang mag-alala na bibigyan ka nya ng bomba kahit ilang beses mo pa siya tanggihan sa field trips niya if ever na iba ang target mong love interest. Pwede mo siya tawaging Himuro-sensei, sensei, Himuro-sensei, Himurochi, Reiichi-san. Never call him Sensei-sama, Reiichi ('pag mag-asawa na siguro kayo, pwede na. lol) , Rei-chan, Binary, Zero One (masokista siguro gagamit nito lol.) Para mapaconfess mo siya sa’yo sa graduation, kailangan ang parameters mo ay Intelligence 150, Fitness 120, Social 120 at tokimeki/blushing state affections.

Sakuya Morimura – Ang smart bishounen honor student na makikilala mo pag sumali ka sa Gardening Club o pag umabot na sa 55 ang iyong Intelligence parameter. Medyo bored ako sa character niya. (hahhaha. Gomen.) Napakashy na bishounen at feel mo ikaw ang mas matanda dahil ikaw ang gagawa ng first move pag kadate mo siya. Depende sa affections niya, pwede mo siyang tawaging Morimura-kun, Morimura, Sakuya-kun, Sakuya, Sakubou, Moririn, Sakuya-chan, Sa.Ku.Ya. (parang tini-tease mo siya dito). Huwag mo siyang tatawaging Megane-kun, unless bully ka. Wala akong masyadong maidadadag na information sa kanya dahil never ko siya niromansa ulit matapos ko makuha lahat ng endings niya. Gusto ko lang makumpleto lahat ng endings kaya pinagtyagaan ko lalaking ‘to (lol). Boring din kasi ka-date. Madalas museum or zoo gusto puntahan. Narito ang parameters na kailangan mo para makuha ang Confession Ending niya: Intelligence 200, Social 150 at tokimeki/blushing state affections.

Kazuma Suzuka – The sporty type. Makikilala mo siya pag sumali ka sa Baseball Club o pag nasa 55 na ang Fitness parameter mo. Makakasama mo siya sa remedial classes pag bumagsak ka sa exam mo (hahhaha). Maiksi pasensya niya at medyo rude magsalita pero once na mainlove na siya sa’yo, isa siya sa mga blushing bishounen tulad ni Sakuya (lol). Minsan gusto mo siya i-tease dahil sa tsundere reactions niya. Pwede mo siya tawaging Suzuka-kun, Suzuka, Suzuka-san, Suzuka, Kazuma-kun, Kazuma, Kazurin, Kazu-kun. Huwag mo siyang tatawaging Mr. Hot Blood, baka masuntok ka niya (lol). Medyo sporty ang theme ng dates nyo tulad ng Ice Skating, Bowling, Swimming, minsan naman ay pwede siya sa Live House at Amusement Park. At least mag-e-enjoy ka pag kasama mo siya kahit di as love interest. Para makuha mo ang Confession Ending niya: Fitness 200, Social 150 at tokimeki/blushing state affections.

Madoka Kijyo - Gusto ko tong character na ‘to, kaso nadidistract ako sa kansai dialect niya (lol). Hindi ko masyado mafeel confessions, sweet dialogues niya dahil sa accent (hahhaa). Flirty ang lalaking ito pero once na mainlove na sa iyo ay magiging serious ang kanyang kilos. Magkaibigan sila ni Sakuya at Kazuma. Gets ko kay Kazuma pero di ko maintindihan paano siya naging close ni Sakuya (lol). Makikilala mo si Kijyo kapag nasa 55 na ang Style parameter mo o pag nag part time job ka sa Gasoline Station. Pwede mo siya tawaging Kijyou-kun, Kijyou-chan, Kijyou, Kijyou-san, Ni-yan, Madoka, Madoka-chan, Madoka-kun, Madoka-oniisan. Walang taboo name sa kanya, nice! Ang parameters na kailangan para sa Confession Ending niya ay Style 200, Fitness 150 at tokimeki/blushing state affections.

Shiki Mihara – The feminine one. Mukha pa siyang babae kesa sa’yo (lol). Di ko magawang mainlove sa character na ito dahil feel ko Yuri (Girls Love) nilalaro ko (hahaha). Di ko rin type mga tulad niyang gandang-ganda sa sarili (lol). Makikilala mo siya pag nasa 55 na Arts parameter mo o pag sumali ka sa Art Club. Pwede mo siya tawaging Mihara-kun, Mihara-san, Shiki-sama, Shiki, Shiki-kun, Prince (wtf), Shiki-pyon, Shiki-nyan. Wag mo siyang tatawaging Mihara, kahit apelyido pa niya yun. Para makuha ang Confession Ending niya: Art 200, Charm 150 at tokimeki/blushing state affections.

Wataru Hibiya – Your kouhai or underclassman. Pero never ko niromansa ang batang 'to. Feel ko magkakasala ako. Bata na nga itsura, bata pa mag-isip. Para kang naging baby sitter pag kadate mo siya (lol). Iniiwasan ko magkaroon ng encounter si Heroine-chan sa batang ‘to (hahhaha). Isa siyang super fan ni Kei-chan, as in an obsessed fan! Automatic mo siyang makikilala pagdating ng 2nd year. Pwede mo siyang tawaging Hibiya-kun, Hibiya, Wataru-kun, Wataru, Hibi-yan, Wataru-san, Wataru-chan. Kung type mo younger boys like him, wag mo siya tatawaging Bouzu (stupid boy) or Kozou (youngster). Here’s a trivia: Ang seiyuu ni Hibiya ay walang iba kundi si Keppei Yamaguchi, ang voice actor ni L Lawliet ng Death Note! Pero kahit pa si L nagboses sa kanya, di pa rin sapat yun para mag-ala pedo ako (lol). Heto ang requirements para sa kanyang Confession Ending: 100 sa Intelligence, Art, Style at Fitness; 80 naman sa Social at Charm; at tokimeki/blushing state affections.

Ikkaku Amanohashi – I don’t know bakit kailangan pang isama ang Principal na ‘to sa love interests. He’s too old! Para mo na siyang lolo! Napakaweird pa ng mga dialogue especially pag lumabas isang character na fashion expert na si Goro-sensei. Napakacringy ng dialogue ni Mr. Principal, maybe because of the age gap. Parang nakalagay sa noo niya “Pedophile Alert!” kaya iniiwasan kong magkita sila ni Heroine-chan! Buti na lang di ka niya bibigyan ng bomba (lol). Pwede mo siya tawaging Amanohashi-san, Principal, Ikkaku-san, Ikkaku, Ojisama (wtf). Kung type mo matatanda, wag mo siya tatawaging Occhan (old man), Ikkaku-sama, Principal-sama. Well, I’d rather call him Ossan (rude term for old man). Makikilala mo siya pag umabot sa 50 ang Charm mo. Para sa Confession Ending niya (interesado talaga kayo? Seriously?), kailangan mo ng Social 150, Charm 150 at tokimeki/blushing state affections.
THE HIDDEN LOVE INTERESTS

Chiharu Aoki – Isang American-born exchange student na di marunong magsalita ng Japanese Language. Makikilala mo siya sa 6th shopping galore mo at aksidente kayong magkakabanggaan. Afterwards, makakatanggap ka ng sulat mula sa kanya at magiging magpenpal kayo. Para makuha ang Confession Ending niya ay kinakailangan na walang boys na nasa Grinning state pataas ang affections at nakumpleto mong buksan ang emails niya.

Jin Tendo – Isang blondie at rebeldeng estudyante ng Hanagasaki High (school location ng TMGS2). Makikilala mo siya kapag umabot na ng 120 ang Intelligence parameters mo sa 2nd year ng laro at lumabas si Heroine-chan para magshopping. Usual plot ng mga rebellious characters ay nasa kanya. Magpapakabait once na mainlove kay female protagonist-chan. Nakadepende rin sa choices mo kung ang magtatapat na Jin Tendo sa'yo sa ending ay black haired or blondie. Para makuha ang Confession Ending niya, kailangang mataas ang parameters mo para makapasok sa 1st Rate University at walang lalaking may affections sa’yo na mula Grinning state pataas.

Hanatsubaki Goro – Like Amanohashi, I don’t know bakit nasa list siya. They’re too old and weird. Automatic mo siyang makikilala on June 1st sa laro. Para makuha Confession Ending niya (honestly, bakit pa?), kailangan ay hindi mo magawa ang confession ending requirements ng kahit sinong love interests, nabasa mo ang monthly style updates ni Goro-sensei sa internet (33 in total), magpart time job either sa Boutique Jess o General Store Simone at piliing magtrabaho doon permanently on your 3rd year at maging Sewing Club Master sa Handicrafts club. Napakahassle na requirements para sa isang weird non-bishounen character.
RIVALRY

Bukod sa bombs na kailangan mong bantayan ay kailangan maging alerto ka rin sa inggit at selos ng mga girls sa paligid. Wag na wag kang makikipagkaibigan sa girls na may crush sa target love interest mo dahil tyak na maactivate ang Rival Mode. Once maactivate at wala pa sa tokimeki/blushing state ang target at di din masyado mataas ang affections ng karibal mo sa’yo, mananakaw niya ang target mo. Magugulat ka na lang on third year bigla silang lalapit sa’yo at pasimpleng ipapaalam na magsyota na sila. So kailangan makipagbonding ka sa rival mo hanggang sa lumalim affections niya sa’yo at magdecide na i-giveup crush niya for the sake of your friendship.
So para iwas hassle, don’t befriend the girls na alam mong may crush sa target mo tulad ng mga sumusunod:
Arisawa Shiho - Morimura Sakuya
Sudou Mizuki - Mihara shiki
Fujii Natsumi - Kijyou Madoka
Konno Tamami - Suzuka Kazuma
ENDINGS

May tatlong ending ang bawat love interest sa larong ito na magaganap sa Graduation Day: Normal/Confession Ending, Buddy Love Ending at Buddy Ending depende sa route na pipiliin mo, either the normal route or the best friend route. Ang Confession Ending ay ang normal route ending mo kapag nagtagumpay ka sa romance mo sa iyong target guy. Ang Buddy Ending at Buddy Love ending ay ang best friend route endings kapag ginawa mong bestfriend ang iyong target guy. Either magtatapat siya sa'yo or friends forever na lang. May tig-isang ending ang mga hidden characters at ang girls kay Heroine-chan. Ang bad ending na makukuha mo sa TMGS ay sasalubungin ka lang ng kapatid mong si Tsukushi-kun na awang-awa sa pagiging alone mo.
SEN YUI’S THOUGHTS

Dahil sa success ng “1st Love” ng Tokimeki Memorial Girl’s Side ay sinundan ito ng “2nd Love” na malalaro sa PlayStation 2 & Nintendo DS at “3rd Story” naman na malalaro sa Nintendo DS at PlayStation Portable.
Espesyal sa puso ko ang TMGS: 1st Love dahil dito nag-umpisa Tokimeki adventures ko. Dito ko nakuha ang pangalang Sen Yui. Ang tanging problema ko lang sa TMGS1 ay ang mga love interest tulad nina Amanohashi, Goro, Shiki, Hibiya at Sakuya. Andyan pa ang mga kumplikadong bombs at rival mode. Kung ikukumpara ito sa TMGS2 at TMGS3 ay mas mahirap laruin ito dahil bukod sa kailangan maabot ang required parameters ay kailangan mo pang iwasang magkabomba at maactivate ang rival routes na magiging sakit sa ulo lamang. Buti na lang at nandyan sina Kei-chan at Himurochi na hindi ako magsasawang titigan. Sila ang rason kung bakit matapos ang ilang taon ay binabalikan ko pa rin ang Tokimeki Memorial Girl’s Side” 1st Love at kasama pa rin ito sa fave otome games ko.
Otome Game Rating: 4.1 out of 5 stars.

Update: There's going to be a TMGS4! Yatta! Abangan n'yo ang next blog post ko for more info!
Hanggang sa muli, matane!
-Sen Yui








Comments