top of page

Our Recent Posts

Tags

Tokimeki Memorial Girl's Side: 3rd Story (REVIEW)

  • Writer: fps
    fps
  • Jul 13, 2019
  • 14 min read

Sen Yui is back again, minna-san, for our weekly Otome Game Review!

This time, ang pag-uusapan natin ay ang Tokimeki Memorial Girl’s Side 3rd Story Premium! Bilang paghahanda sa upcoming TMGS4, dapat ay nalaro mo na ito para maging aware ka sa mga dapat mong abangan. It would be best kung ang TMGS3 Premium version na malalaro sa Play Station Portable (PSP) ang nasubukan or susubukan mo dahil nandito ang lahat ng features na possible na lalabas sa GS4. Syempe mas ramdam mo ang kilig experience sa Premium kumpara sa NDS version. Ikukuwento ko sa inyo kung anu-ano ang mga features na iyon na talaga namang mapapa-kyaaah ka ng maraming beses (hahaha). Ang Tokimeki Memorial Girl’s Side 3rd Story Premium ang pinakapaborito ko sa buong GS series dahil bukod sa marami tayong bishounen ay napakaganda pa ng graphics at gumagalaw pa sila! Feel ko nga nagiging hugis puso ang aking mga mata pag tinititigan ko ang ating mga nagagwapuhang mga bishounen! So bukod sa nakaka-hyperventilate na graphics, ano pa ba ang ibang laman ng TMGS3? Don’t you worry mga kapatid, isa-isahin natin ang mga yan dito sa aking Otome review. I’ll try not to spoil as much as possible, though. Hopefully (hahahha).

ANGEL & SWEET DEVIL BAMBI

Bago ang lahat, sino sa Bambi? Si Bambi ay walang iba kundi ang ating bida sa GS3! Hindi yan ang default name niya. 'Yan ang kanyang nickname na ginagamit ng friends niya. May naging nickname naman ang past Heroine sa GS2 which was Daisy pero hindi ito napapansin ng players dahil isang character lang naman ang gumagamit nito kay Heroine-chan. Pero sa GS3 ay Bambi ang tawag ng girl friends ni Heroine-chan at pag nanunukso ang boys ay ginagamit din nila ito sa kanya.

Now, bakit may pa Angel at Sweet Devil Bambi pa? It’s because our GS3 Heroine-chan finally got an attitude! Yay! Compared sa ating GS1 & GS2 Heroines, paborito ko talaga si GS3 Heroine-chan or Bambi dahil nabigyan siya ng attitude ng Konami! Yatta! Arigatou, Konami-sama! <3 Nakadepende sa ating mga player kung anong klaseng attitude ang gusto natin para sa ating bida kapag nakikisalamuha sa mga bishounen. Pwedeng Angel Bambi which is the default Heroine katulad ng GS1 at GS2 or the Sweet Devil Heroine-chan kung saan may mga funny interactions siya sa ating mga bishounen. Alam naman natin kung paano makipag-interact ang default Heroine-chan natin so let’s skip the Angel Bambi. Dito tayo sa Sweet Devil Heroine na paborito ko (hahaha). Ang ating Sweet Devil Bambi ay bossy, confident, more flirty and a bully (hahaha). She doesn’t accept NO as an answer, siya lang may karapatan mag NO (lol). Of course, lalabas lang ang Sweet Devil attitude kung naka smiling state na ang boys sa kanya. Sino ba namang bishounen ang papayag ma-bully ng taong di naman niya ka-close? So habang nakikipaglapit ka sa kanila at nakikipagflirt sa kanila during dates, kailangan i-tease mo sila lagi. Do the moves na lalabas ang violet feathers na nagpapatunay na sweet devil point ang nakukuha mo. Angel point ang ibig sabihin kapag pink feathers ang lumabas. Dahan-dahan ka nga lang sa pagtease dahil nagiging masyadong nerbyoso ang ka-date mo 'pag nasobrahan. Yup, nakakaramdam ng nerbyos ang ating boys sa GS3 (hahhaha). 'Pag naging Violet ang beating heart nila during dates, nervous mode na sila kaya back-off ka muna ng konti sa pagcollect ng sweet devil feathers. Hindi mo na siya maaaring hawakan este i-flirt kapag na-tensed na sila ng tuluyan sa’yo. Pero once na successful ka sa pagiging Sweet Devil Bambi, ang saya-saya ng dialogues natin sa ating mga bishounen. They’re your slaves and you are their master (hahhaha). At love na love nila iyon. Nariyan ang tutuksuhin mo sila habang sinusundo ka mula sa work mo, ang pambubully mo sa kanila habang kausap sila sa phone sa gabi, ang pagiging bossy mo sa pag-aaya at pagrereject ng dates at marami pang iba. Of course, apektado din ang ending scenes mo kung naka sweet devil mode ka. Kaya kung bored ka na sa ugali nina GS1 at GS2 Heroines, you should really try our GS3 Sweet Devil Heroine-chan! Kung sana may Sweet Devil heroine din sa GS2, gustung-gusto ko i-bully si Saeki para makaganti sa pambabatok niya! (lol)

TWO MALE LEADS PLOT

It’s the usual plot pa rin ang GS3. This time ay nagbalik tayo sa Habataki High kung saan ay muli nating makikita ang aking favorite sensei na si Himurochi! (kyaaah! <3) May kababata pa rin ang ating Heroine-chan at naglipat bayan ulit sila and as freshman high school na bumalik sa kanyang hometown. I guess ayaw ng Konami palitan ang part na ito ng plot sa lahat ng TokiMemo series nila (lol). Pero may good news ako sa inyo, my fellow Otome Gamers. Dahil dalawa na ang kababata ni Heroine-chan sa 3rd Story. Meaning, meron tayong 2 male leads! Yatta! Aishiteru, Konami-sama! Sa GS3 ay may kababata si Heroine-chan na magkapatid na lalaki. So, after bumalik ni Bambi sa Habataki City ay muli niyang nakita ang younger bro childhood friend. Nakilala siya agad nito pero no clue si Heroine-chan kung sino si guy. After managinip kinagabihan at nakilala ang older bro childhood friend kinabukasan ay saka lang niya naalala ang iniwan niyang magkapatid na kababata. Poor kids, kinalimutan ni Bambi (lol). Mas gusto ko ang GS3 male leads na ito kumpara kina GS1 Hazuke Kei (Gomen, Kei-chan!) at GS2 Saeki Teru bilang childhood friends. Dahil ramdam mo talaga ang halaga ni Heroine-chan sa kanila. Nang malamang nagbalik si Heroine-chan sa kanilang syudad ay nagpakita agad ang dalawang magkapatid sa ating bida upang maalala sila ng kanilang precious childhood friend. Yung isa ay prinsesa ang turing sa ating bida habang super protective naman yung isa pa. Feel na feel ni Bambi ang pagkakaroon ng mga kuya sa larong ito. So, the whole game ay never makakaranas ng lungkot ang ating bida dahil mayroon siyang dalawang protector the whole three years in high school. It doesn’t even matter kung hindi mo sila masyado pansinin dahil little sis pa rin turing nila sa iyo.

THE LOVE INTERESTS

Sakurai Ruka – The younger brother, playful, childhood friend. Ang sikat at pasaway sa Sakurai brothers na prinsesa ang turing kay Heroine-chan. Sa simula pa lang ay ramdam mo na, na may feelings na siya sa ating bida although di pa masyadong malalim. Siguro dahil si Heroine-chan lang ang tanging female friend niya kaya super special turing niya sa kanya. Anyways, hindi matalino si Ruka or possible na tamad lang talaga mag-aral. Ang lakas nila manukso kay Bambi pag mababa score sa exam kahit pa super baba ng grades nila (lol). Playful din siya at pangarap maging Hero. Bukod kay Bambi ay protective din si Ruka sa kanyang oniichan (older brother) na si Kouichi-kun. Hay naku, napakadrama ng dalawang magkapatid na ‘to. Buti na lang at di ako masyado naasar tulad ng pagdadrama ni GS2 Saeki (lol). Although napakapogi ng bishounen na ito, hindi ako masyado na-excite sa pagromansa sa kanya. Siguro dahil sa umpisa pa lang ay may feelings na o inlove na siya kay Bambi, so parang effortless ang paglalandi sa kanya (hahaha). You can call him Ruka, Ruka-kun, Ruka-chan, Ruu, Ruka-tan at Darling depende pa rin as usual kung gaano ka na kaclose sa kanya. Syempre dahil close na kayo since pagkabata, magagalit siya pag feeling stranger ka at tinawag siyang Sakurai Otouto (Sakurai younger brother), Sakurai-kun or Ouji. As one of the main guys, marami ka pa rin kailangan mapataas na parameters para makuha ending niya bukod pa sa usual na blushing o tokimeki state. Ang intelligence, style, social at fitness ay kailangang nasa 150.

Sakurai Kouichi – The older brother, yakuza-like, childhood friend. He’s my 2nd favorite sa TMGS 3rd Story. Medyo nakakatakot siya dahil sa kanyang nanlilisik na mga mata (lol), bruskong pananalita at kilos. Pero napaka-softie niya pagdating kay Bambi! (Kyaaah!) Siya 'yung tipong mapapa-challenge ang player na romansahin (hahaha). Di tulad ni Ruka na obvious na may feelings na kay Heroine-chan, little sister lang ang turing ni Kouichi-kun sa ating bida. Kaya nakakatuwa mga reactions niya pag nilalandi na siya ni Bambi especially 'pag nasa Sweet Devil mode na (kyaaaah!). Asar na asar din siya sa’yo pag napapasobra ka na sa pagiging touchy sa Love Mode pagkatapos ng dates. Pero pag nagiging Sweet Devil mode bossy na si Bambi ay para siyang nagiging puppy. Wala siyang magawa at sunud-sunuran na lang (lol). I really love this guy, hay naku. Bilang nakakatandang kapatid ay super protective din siya kay Ruka. At dahil aware siya sa feelings ng kapatid kay Bambi ay ok lang sa kanya na magback-off para sa dalawang taong importante sa buhay niya. Ang sakit sa puso ng Bestfriend route niya pati na rin sa Rival Route (Yup, may rival mode ang boys.) You can call him Kouichi-kun, Kou-kun, Kouichi, Kou, Kou-chan and even Aniki (older brother) or Danna (husband) depende sa closeness nyo. Katulad ni Ruka ay bawal din magfeeling stranger sa kanya at tawagin siyang Sakurai-kun or Sakurai older brother. Syempre as close childhood friends, nakaka-offend talaga na tawagin lang sa apelyido lalo na kung kapatid na turing nila kay Bambi. Bukod sa tokimeki state, kailangan mo ng 150 stats sa arts, fitness at social habang 70 naman sa charm para makuha ending niya.

Konno Tamao – The student council president and bishounen senpai. My GS3 top favorite, Tamao-senpai! (Kyaaahh! <3) Napaka gwapo ng four-eyed-kun na ito, my God! Hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang routes niya, mapa bestfriend man, angel mode at devil mode! Siya ang nakababatang kapatid ni GS1 Rival/Friend Tamami-san. Fave kong landiin at i-bully siya as Devil Bambi, pero gusto ko rin pagiging protective niya kay Angel Bambi. Wala akong ma-say sa lalaking ito. Pantay sila ni Kei-chan as my fave bishounen sa TMGS series. Napakabait niyang senpai, caring din at as usual super pogi pag tinanggal ang salamin. Pero mas type ko pag suot niya salamin niya, mas hot (hahaha). I think siya ang dahilan bakit nabuo ang Doki-doki Otome Life blog ko (hahaha). My heart always goes doki-doki pag nakikita ko siya (kyaaah!!! <3). Napaka-serious niya nung nagalit siya sa’yo pag napapasobra ka tuwing Love Mode. Pero halos himatayin ako sa kilig pag nagagalit siya (Kyaaah!!!! Oh, kalma, Sen Yui. Puso mo! hahhaha). Makikilala mo siya kapag nag study mode ka at nasa 55 na ang intelligence stat mo o pag sumali ka sa Student Council. Depende sa closeness, pwede mo siya tawaging Konno-senpai, Tamao-senpai, Kaichou (President), Tamao-san, Tama-chan o Tamao-kun. Never call him Tamao, Otama-san (dunno where that came from) o Tama. Kailangan mo ng 200 sa intelligence at 150 sa social para makuha ang ending niya. And of course, huwag kakalimutan ang Tokimeki state heart.

Shitara Seiji – The cute and tsundere senpai. I love this guy’s voice. Ang sarap pakinggan (hahaha). Nakakatuwa i-romance ang lalaking to dahil di nakakaasar ang pagiging tsundere niya. Di katulad ni GS2 Saeki na gusto mo batukan sa pagiging tsun (lol). Genius pianist si Seiji-senpai at anak mayaman kaya maraming walang alam pagdating sa mga normal na bagay na ginagawa ng mga tulad nating mga commoners (lol). Pero kahit ganun siya, never ako nainis sa kanya. Gusto ko pa nga siya inisin at kulitin para lalo siyang mainis. Nakakatuwa din reactions niya pag nasa Love Mode, feel mo naka devil mode ka kahit nasa Angel route ka (hahaha). Makikilala mo siya kapag gamit mo ang Paint command at nasa 55 na ang Arts stat mo. You may call him Shitara-senpai, Shitara-san, Seiji-senpai, Seiji-san, Seiji or Seiji-kun, depende sa closeness. Taboo names ang Darling, Sei-chan and Shindou (Genius). Kailangan mo ng tokimeki state, 200 arts at 150 charm para makuha ang ending niya.

Fujiyama Arashi – Your athletic classmate. Puro sports ang nasa isip ng lalaking ito. Kung mahilig ka sa athletic bishounen, he’s your guy. Maskulado, medyo walang common sense pagdating sa ibang bagay na walang kinalaman sa sports. Medyo mahirap romansahin lalaking ito dahil mas interesado siya sa sports kesa sa girls (lol). Pero di magtatagal ay maiinlove din naman siya sa iyo nang hindi niya napapansin (Syempre, TMGGS Heroine eh. Hahaha) Pero para sa’kin, parang buddy-buddy lang tingin ko kay Fujiyama. Never magkakainteres romansahin kung totoo siya (lol). Kailangan nasa 55 ang fitness mo at mag-exercise or sumali sa Judo Club para makilala siya. Pwede mo siya tawaging Fujiyama-kun, Fujiyama, Arashi-kun, Arashi-san, Arashi or Anata (husband) depende sa closeness. Bawal gamitin ang Yamaarashi (Judo related term) at Judo-kun. Tokimeki state, 200 fitness at 150 social ang kailangan para makuha ang kanyang ending.

Niina Junpei – Your fashionable kouhai. Finally, no more annoying underclassman! Yatta! Thank you Konami-sama! Katulad ni GS1 Hibiya ay idol din niya si Kei-chan pero in a non-obsessive way. Dahil mahilig siya sa fashion, gusto niya maging next Hazuki Kei sa mundo ng modelling. Playful at friendly siya. Medyo may complex pagdating sa pagiging mas bata niya kay Heroine-chan. Gagawin niya lahat niya para maging manly sa paningin ni Bambi at hindi ma-junior-zoned. Automatic mo siyang makikilala on your 2nd year sa Habataki High. Pero makikilala mo siya ng maaga kung nasa 55 na ang style stat mo at nagshopping ka. Susubukan niyang makipagkilala sa’yo ngunit dinedma mo lang (lol). Depende kung gaano kaclose, pwede mo siya tawaging Niina-kun, Niina, Jun, Junpei, Junpei-kun, Pei at Pei-chan. Never call him Jun-chan at Niina-san, siguro dahil medyo girly pakinggan? (lol) Kailangan mo ng 150 sa intelligence, 200 sa style and tokimeki state para makuha ang ending niya.

Kasuga TaiyouKawaii (cute) hidden character and a middle schooler kouhai! Hindi pa rin annoying ang underclassman na ito. Mabuhay ang Konami! Yatta! As a hidden character, no angel/devil Bambi for him. Pero nakaka-enjoy pa rin ang route niya dahil napakacute ng batang 'to (hahha). Para makilala siya kailangan ay nasa Baseball Club ka buong 3 years sa Habataki High. Maiinlove siya agad kay Heroine-chan one time na bumisita siya sa Habataki Baseball Club on Bambi’s 2nd year. Kaya nagdecide siyang mag-enrol sa Habataki High pagtuntong niya ng High School para habulin si Heroine-chan. Isn’t he the cutest?! Para makuha mo ang kanyang ending, syempre kailangan iwasan mong makipagclose sa ibang boys especially the Sakurai brothers (madali tumaas affection nila sa’yo). Siguraduhin mo rin na magiging masipag ka sa Baseball club mo, keribels na bumagsak grades mo (lol).

Aizawa Shugo – The novelist hidden character. Siguro mga kasing edad siya ni Himurochi. Isa siyang sikat na author na hinahangaan ni Heroine-chan. Sa simula ay parang pamangkin lang ang turing niya kay Bambi pero habang tumatagal ay nahuhulog ang loob niya sa ating bida. If you’re into older men, he’s a one nice chap for you. Hindi siya katulad ni Principal Amanohashi na kinikilabutan ako makita (hahaha). Para makilala siya, kailangan ay nabasa mo ang balita tungkol sa novel niya on October on your 2nd year at magshopping sa mall area at bilhin ang kanyang novel sa bookstore. Kailangan ay masipag ka lang magbasa sa net at magshopping galore para mameet ang meeting requirements niya. Para naman makuha ang kanyang ending, as usual ay kailangan walang mainlove na ibang boys kay Bambi at iwasang mameet o matrigger ang special events ng ibang hidden characters. Good luck on that. You really need a guide for him (hahaha).

Oosako Chikara – Our cheerful, chibi sensei! Although napakacute ng teacher na ito at maliit pa (lol), napakamature niya magbigay ng advice. Kaya di kataka-takang mainlove sa kanya si Heroine-chan. Of course, medyo pahirapan para mafall siya kay Bambi dahil student lang ang tingin niya kay Heroine-chan. Para makuha ang kanyang ending, kailangan ay manalo ka sa Rose Queen event on your third year sa cultural festival. At para makoronahan bilang Rose Queen, kailangan ay nasa 130+ ang intelligence, arts, fitness, social, style at charm mo bago ang nasabing event. Marami ka pang kailangang gawin so you also need a guide para magtagumpay kang makuha ang kanyang happy ending dahil pwede ka niyang i-reject pag failed ka. Yes, si Heroine-chan ang magtatapat. (lol).

Taira Kenta – Your hide and seek classmate (lol). Siya ang iyong wallflower classmate. May gusto na siya agad kay Bambi at first sight. Madalas ay tinutukso siya ng mga kaibigan niya kay Bambi. Pero dahil dense ang default Bambi ay clueless ang ating Heroine-chan. Kailangan mo muna siya hanapin bago mo matrigger ang meeting requirements niya, so kailangan mo pa rin ng guide (hahhaha). Marami ka pang kailangang gawin para makuha ending niya, so a game guide is your key to get him (lol).

Hasumi Tatsuya – The additional secret character on GS3 Premium. Dahil idinagdag siya sa TMGS3 Premium na available lamang sa PSP, mayroon siyang Angel at Devil Bambi. Yay! Isa siyang mahiyaing model with long bangs na nagtransform visually after makilala si Heroine-chan. Wala akong masyado masabi sa character niya dahil kakaunti lang ang kanyang scenes. Pero napakagwapo ng hidden character na ito pagkatapos ng kanyang transformation (hahhaha). Para makilala siya, kailangan ay nasa 200 ang iyong charm at magshopping sa business district on your 2nd year sa March. Makikilala mo siya sa Alucard coffee shop kung saan madalas nating pinupuntahan sa TMGS1 para makita si Kei-chan (lol). You still need a game guide para makuha ang kanyang ending.

SUPPORTIVE FRIENDS

Walang girls rivalry sa GS3! Yatta! I so love this game! (hahaha) Hindi mo kailangang iwasan ang girls dahil lang sa boys (lol). Si Heroine-chan ay may dalawang girl friends na sina Ugajin Mio at Hanatsubaki Karen. Yup, Karen is from the fashionable Hanatsubaki clan, pamangkin ni Goro-sensei at pinsan ni Himeko-sama. Sina Karen at Mio ang nagbigay kay Heroine-chan ng nickname na Bambi. At dahil sa kanila kaya kumalat ang nickname na iyon at nakarating sa boys (lol). Love na love nila sa Heroine-chan, minsan pa nga may gender identity issue na si Karen sa sobrang pagmamahal niya kay Bambi (lol). Napakasupportive nila sa ating Heroine pagdating sa lovelife. Sila ang tutulong kay Heroine-chan gumawa ng valentine cakes, magbibigay ng tips sa kanya regarding fashion at magbibigay ng info about boys. Mayroon din silang Yearly Pajama Party kung saan kukulitin nila si Bambi sa kanyang love one or crush (hahaha).

3P MODE


Bukod sa bestfriend route ay mayroon ding 3P mode ang GS3 both on Premium (PSP) and DS. Ito ang route na mati-trigger kapag namangka sa dalawang ilog si Heroine-chan (lol). Para ma-activate ang 3P Mode, kailangan ay i-date ni Bambi ang 2 boys hanggang sa maging smiling state ang affections nila sa kanya. Pagdating ng 2nd year ay tatawagan nila si Heroine-chan para ayain makipagdate 3P date. Meaning, 2 boys and 1 girl in 1 date. Ang saya-saya! (hahhahha) Of course, sabay din magaganap ang skinships kahit pa harap-harapan (OMG). Ang pinaka the best dito ay ang event pagkatapos ng date which is the Love Mode kung saan may touching galore ang player sa boys. Dito sa 3PM Love Mode, salitan ang touching galore nila hanggang sa may magselos na isa sa kanila (Ouchie!). Favorite part ko ito dahil feel ko ang pagiging sadista ng player sa other guy na magseselos (lol). May 3 choices lang si Bambi na pwede maka 3P mode. Sina Ruka + Kouichi-kun, Tamao-senpai + Seiji-senpai at Fujiyama + Niina. Pero kahit love na love ko 3P mode, masakit pa rin sa puso saktan yung other guy. I don’t know which one is the most hurful for them. Sa bestfriend route kung saan pinili nilang manatiling friends na lang at huwag lumaban o sa 3P Mode kung saan alam nilang dalawa silang importante kay Heroine-chan pero pinipilit pa rin nilang ipagpatuloy ang feelings nila sa pagbabakasaling masuklian ito?

PRIDE VS. PRIDE

Ito ang next level ng 3P mode. Maaactivate ito kapag nasa grinning state na ang 3P boys at nakipagdate ng paulit-ulit si Heroine-chan sa isa lamang sa kanila. Dito ay lalabas ang pagiging competitive ng boys at ipaglalaban ang feelings nila kay Bambi. Masakit ito para sa Sakurai brothers. Ang sakit sa puso saktan sila. Kung sa 3P mode ay nagpapakiramdaman lang ang boys, sa Pride vs Pride ay karibal na turing nila sa isa’t-isa. I love Konami for adding this feature, pero gusto ko saktan si Bambi sa mga pinaggagawa niya esp. sa route nina Ruka at Kouchi-kun. Ang sakit-sakit lalo na sa taong di mapipili o magba-back off na nangyayari sa pagtatapos ng PVP mode. Grabe ka, Heroine-chan! Importante na matapos ng player ang PVP mode bago ang graduation kung ayaw niyang girls’ ending lang ang makuha niya sa huli. Karma. Consequence ng di makapagdecide at gusto 2 boys forever. (hahahah).

SEN YUI’S THOUGHTS

May napansin ba kayo sa review ko pagdating sa mga bishounen ng GS3? Wala akong natawag na boring, annoying or disgusting! Yatta! Good Job, Konami! I so love Tokimeki Memorial Girl’s Side 3rd Story dahil sa high quality bishounen nila. Kahit ang mga kouhai ay hindi nakakaasar at napakacute pa. At hindi nakakadiri ang pinakamatanda (hahhaha). Madami na nga ang Main Guys, marami pa hidden characters. Ang saya! (hahahha) Umaapaw sa galak ang Otome Heart ko sa larong ito! Na-eenjoy ko ang lahat ng routes, mapa-angel, devil, normal routes, best friend routes, at 3P routes! Maging ang girls ay appreciated ko. Medyo bitin lang ako sa route ni Tatsuya-kun dahil hindi ko siya masyado nakilala. May bombs pa rin naman pero di ko ramdam. So di masyadong threatening ang bombs kumpara sa GS1. Pero may Love mode din naman kasi na kaya magharvest ng hearts so keribels pa rin kahit gaano pa kadalas mabomba. At ang saya na andito din si Himurochi, my love! (hahaha) Matanda na itsura niya, kitang-kita ang bakas ng mga taong lumipas (lol). Pero he will always be my favorite sensei (kyaaah!). Speaking of Himurochi, gusto ko rin sa GS3 ang mga rumors about sa mga naganap sa GS1. About pagiging secretly robot ni Himurochi, ang pag-iibigang nagkatotoo sa simbahan na hula ko ay si GS1 Heroine-chan at ang napili niyang prinsepe. Para sa mga naghahanap, nope, walang kapatid si Heroine-chan. Wala siyang Tsukushi-kun or Yuu-kun.

Syempre, may ranking ulit si Sen Yui ng favorite bishounen of TMGS3!

1. Tamao-senpai

2. Kouchi-kun

3. Seiji-senpai

4. Ruka-kun

5. Niina

6. Fujiyama

7. Oosako-sensei

8. Taiyou-kun

9. Tatsuya-kun

10. Taira-kun

11. Aizawa-san

Otome Game Rating: 5 out of 5 stars!

Natapos ko na ang 3 Games ng Tokimeki Memorial Girl’s Side series! I’m so excited for GS4! Sana magawan agad ng English translation! (Onegai, Translators-sama!) At ngayon, bilang pangwakas sa 3 Otome Game Reviews ko sa TMGS series, narito ang Itsumo Kokoro Ni Tokimeki Wo (My heart is always racing) na kinanta ng TMGS1 male lead, Hazuki Kei-chan! Featuring the Princes of 1st Love, 2nd Kiss and 3rd Story ng Tokimeki Memorial Girl’s Side series!

Next week, abangan n’yo po ang ating mga panibagong bishounen! Pag-iisipan ko pa kung anong laro ang pipiliin. I need to refresh my mind, since it’s been years nung huli ko silang malaro. Unlike the GS series na ilang beses ko nang binabalikan kaya kabisado ko na mga bishounen (lol).

Till, next time, minna-san! Mattane!

-Sen Yui

Comentários


fps logo white.png

0968-728-9439

593 San Francisco St. Poblacion Pulilan, Bulacan

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok

©2018 by FPS Media Ph.

bottom of page